Wednesday, November 24, 2010

ALAMAT NG BANYO

        nung unang panahon may isang lalaking tae ng tae kahit saan na nagngangalang Banyo, sya ang nagpauso ng pagtae sa gilid-gilid ng daan. dahil sya ang nagpauso, since nauso, syempre may gumaya, nung una paisa-isa lang, hanggang dumami ng dumami at bumaho na ang kapaligiran. isang araw naburaot na yung mga tao to the point na hinanap na nila kung sino ang nagpauso ng kababuyang ito. napagalaman ng lahat na si Banyo pala ang nagpauso nito. bilang parusa, siya ay ikinulong sa isang maliit na kwarto upang don sya tumae ng one to sawa, at simula nung kinulong sya sa maliit na kwarto nabasawasan na ang kabahuan sa paligid, at higit sa lahat, natakot na din ang iba sa kahihiyang idudulot ng pagkakakulong na nangyari kay Banyo. gumawa sila ng batas, kung sinomang mahuhuling tatae sa paligid ay ikukulong sa isang maliit na kwarto kung san ikinulong si Banyo. anyways, si Banyo ay ikinulong ng napakatagal don, naburaot, at di naglaon namatay sa sama ng loob, at syempre, sa sama ng amoy. at since then, ang maliit na kwartong yon na naging sagot sa pagkabawas ng baho dahil sa pagtae sa paligid ay ipinangalan kay Banyo bilang paggunita sa kanyang alaala. at nasanay na ang mga tao na gumawa ng banyo para pag natae ay wag bumaho ang paligid.