Friday, September 30, 2011

Masamang Magnakaw

                Masayang nagkekwentuhan sila Kaloy at Berto. Dalawa lamang sila sa bahay nila Berto dahil may pinuntahan ang pamilya nito. Medyo ginutom si Berto kaya’t nagpaalam muna ito na bibili lang ng meryenda sa kanto. Naiwang mag-isa si Kaloy.
            Kanina pa tingin ng tingin si Kaloy sa isang teddy bear sa loob ng bahay nila Berto. Naisip nyang kung kukunin nya ito, siguro naman ay walang maghahanap. Mukha namang mumurahin lang ang laruan. Ngayon ang kaarawan ng nakababata nyang kapatid na si Ruth at maaari nyang ibigay ito bilang regalo.
            May nagsasabi sa isipan ni Kaloy na masamang magnakaw. Ngunit may nagsasabi rin sa isipan nyang magiging masaya si Ruth kapag nakatanggap ng regalo. Mas nanaig sa isipan nya ang mapaligaya ang kapatid kaya’t ninakaw nya ang laruan. Agad syang umalis sa bahay nila Berto.
           
            Pag uwi ng bahay ay agad na inabot ni Kaloy ang laruan sa kapatid.
            “Ruth, regalo ko sa’yo. Happy birthday.”
            “Wow. Ang ganda naman nito. Salamat, kuya.”
            “Basta pag may pumunta ditong ibang tao, bago mo patuluyin. Itago mo muna itong laruan, ah.”
            “Bakit po kuya?”
            “Maganda kasi to eh. Pag nakita nila, baka mainggit sila at kuhain nila ito mula sa’yo.”
            Kinailangang sabihin ni Kaloy ‘yon sa kapatid bilang pagiingat. Baka kasi biglang pumunta si Berto sa bahay nila at makita ang laruan. Malalaman pa nitong nagnakaw siya.
            “Malinaw ba ‘yon Ruth?”
            “Pero bigay mo ‘to sakin kuya. Kung kukunin nila ito dahil lang naiinggit sila, ibig sabihin magnanakaw sila,” sagot ni Ruth. “Diba’t masama magnakaw, kuya?”
            Medyo tinamaan si Kaloy sa sinabing ‘yon ng kapatid.
            “Oo, masama magnakaw,” pagsang-ayon ni Kaloy. “Kaya wag mo na silang bigyan ng dahilan para mainggit. Wag mo na lang yan ipakita sa iba.”
            “Sige po, kuya.”
            Nang makumbinse ni Kaloy ang kanyang kapatid ay umalis muna ito upang makipaglaro ng basketbol sa kabilang baranggay.

            Ilang malalakas na katok ang narinig sa bahay nila Kaloy. Sumilip si Ruth sa bintana upang alamin kung sino ito. Marami sila. Hinahanap nila si Kaloy.
            “Nandyan ba si Kaloy?”
            “Wala po eh, umalis. Balik na lang po kayo mamaya.”
            “Kapatid ka ba niya? Palabasin mo na yung kuya mo.”
            “Wala nga po eh” giit ni Ruth. “Sino po ba kayo?”
            “Tito ako ni Berto. May itatanong lang ako sa kanya.”
            “Sandali lang po ah. Yung tatay ko na lang ang kausapin niyo.”
            Hinayaan lang ni Ruth na maghintay ang grupo ng kalalakihan sa tapat ng kanilang bahay. Kinuha niya ang teddy bear at umakyat sa kanilang kwarto. Ginising niya ang kanilang ama.
            “Tay, may naghahanap po kay kuya.”
            “Asan ba ang kuya mo?”
            “Umalis po eh. Makikipaglaro po ata ng basketbol.”
            “Edi sabihin mo umalis.”
            “Sinabi ko na po pero ayaw pa rin nilang umalis.”
            “Sino ba sila?”
            “Tito daw po ni Kuya Berto yung isa.”
            Bumangon ang tatay nila Kaloy. Bumababa ito at kinausap ang grupo ng kalalakihan mula sa bintana.
            “Pakilabas ho si Kaloy.”
            “Wala dito ang anak ko.”
            Hindi naniniwala ang mga ito na wala doon si Kaloy. Napikon na ang nagpakilalang tito ni Berto at naglabas ito ng baril. Tinutukan nya ang ama ni Kaloy. Agad naman itong lumayo mula sa bintana. Pinagtatadyakan ng grupo ng kalalakihan ang pinto at pilit itong binubuksan. Nagulat ang mga kapitbahay sa mga nagaganap ngunit walang naglakas-loob na makialam. Naglabas kasi ng baril ang mga ito at nagbabala na mapapahamak ang sinumang magsusumbong sa mga pulis. Kakatadyak ay nagtagumpay sila na mabuksan ang pinto. Agad nilang hinalughog ang lugar. Nagkasira-sira ang mga gamit nila Kaloy. Nang hindi nila matagpuan ang kanilang hinahanap ay umakyat sila sa kwarto. Doon ay nakita nila ang mag-amang nanginginig sa takot. Hawak-hawak ni Ruth ang teddy bear na ibinigay sa kanya ni Kaloy. Kinuha ito ng isa sa mga lalaki.
            Pag-uwi ni Kaloy ay inabutan nya pa ang grupo ng kalalakihan sa loob ng kanilang bahay.
            “ANONG GINAGAWA NIYO SA BAHAY NAMIN?”
            Isang palo ng baril sa ulo ang tinanggap ni Kaloy at nawalan sya ng malay.

            Nagising si Kaloy sa isang lumang warehouse. Magkatali ang kanyang mga kamay sa likod. Nang mapansin ng isa sa mga lalaki na gising na siya ay tinawag nito ang atensyon ng iba.
            “Pare, gising na yung bisita natin.”
            “Anong kailangan nyo sakin?” tanong ni Kaloy.
            “Asset ka ng mga pulis no?”
            “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
            Tinadyakan sa mukha si Kaloy. Babanatan pa dapat sya nung isang lalaki ngunit napigilan ito dahil sa pagdating ng isang van. Bumaba sa van ang ilang kalalakihan. Nakipagkamayan sila sa mga nangdakip kay Kaloy.
            “Pare, handa na ba yung pera?”
            “Syempre naman” sagot ng lalaki sabay pinalapit ang isa sa kanyang mga kasama. “Pakita mo yung laman ng briefcase sa kanya.”
            “Kumpleto naman ‘to diba?”
            “Kelan ba kami nagkulang? Teka, nasan na ba yung epektos?”
            Kinuha ng lalaki ang teddy bear na kanina’y ninakaw ni Kaloy at inabot ito sa mga lalaking bumaba sa van.
            “Double-check mo kung gusto mo.”
            May zipper pala sa likod ang manika at binuksan ito ng lalaki. Nakapaloob dito ay drogang nakabalot sa plastic. Doon lang nalaman ni Kaloy kung bakit galit na galit sa kanya ang mga lalaki.
            Maya-maya pa’y may nagsalita nang malakas mula sa isang megaphone.
            “WALANG KIKILOS NANG MASAMA. MGA PULIS ‘TO. NAPAPALIGIRAN NA NAMIN ANG BUONG LUGAR!”
            Biglang tinutukan ng baril ng mga lalaking bumaba sa van ang mga lalaking nangdakip kay Kaloy. Nangtutok na rin ng baril ang mga lalaking nangdakip kay Kaloy. Bago pa sila tuluyang magkaputukan ay nagpasukan na sa lumang warehouse ang grupo ng mga pulis. Sumuko na lamang ang mga lalaking nangdakip kay Kaloy. Inaresto sila ng mga pulis. Kasama ring inaresto si Kaloy. Kasabwat pala ng mga pulis ang mga lalaking bumaba sa van.

            Sa presinto, paulit-ulit na sinasabi ni Kaloy na hindi siya kasabwat ng ibang mga lalaki.
            “Sir, hindi ko po talaga kilala yang mga yan,” sabi ni Kaloy. “Itinali pa nga po nila ang mga kamay ko.”
            Hindi naman sa kanya naniniwala ang mga pulis dahil ayon sa ibang mga nahuli ay magkakagrupo sila. Marahil gusto na lang mandamay ng mga ito kaya nila sinasabi ang bagay na ‘yon. Nagtataka naman sila Kaloy kung bakit hindi nila kasama ngayon ang ibang mga nahuli kanina. Siguro mga pinuno ‘yon ng sindikato at maraming matataas na koneksyon.
            Kasama sa mga ikinulong si Kaloy. Hindi niya lubos maisip na ang pinag-ugatan lang ng lahat ng ito ay ang pagnanakaw niya ng isang mumurahing laruan. Nagsisisi siya kung bakit niya pa ginawa ‘yon. Nagsisisi siya kung bakit hindi siya nakinig sa kanyang konsensya. Ngunit huli na ang lahat. Hindi niya na maibabalik ang panahon.
            Lumipas ang ilang oras at may dumating na dalaw si Kaloy. Kapitbahay nila ito.
            “Pare, bakit ikaw lang? Nasaan ang pamilya ko?”
            “Yung tatay mo hindi na pumunta dito dahil sa sama ng loob?”
            “Eh si nanay? Kamusta sya?”
            “Pare yun nga ang pinunta ko dito,” sagot ng lalaki “Pagkagaling niya kanina sa pagtitinda, nagulat siya nang mabalitaan ang nangyari sa’yo. Pare, nasa ospital siya ngayon dahil sa atake sa puso..."


Ito ay aking lahok para sa kategoryang Maikling Kwento ng Saranggola Blog Awards 3 



Monday, September 12, 2011

HULOG BARYA

       Naglalakad si Ernesto sa kalsada nang makita nya sa di kalayuan si Tina, ang seksing bagong lipat sa kanilang lugar.  Makakasalubong ni Ernesto si Tina kaya sobrang kinikilig sya, sa sobrang pagkakilig niya ay nahulog mula sa kanyang kamay ang hawak nyang barya. Bago pa tuluyang mapulot ni Ernesto ang mga nahulog na barya ay agad namang yumuko si Tina para pulutin ang mga ito.
      "Nahulog yung mga barya ko" sabi ni Tina.
       Gusto pa sanang umaangal ni Ernesto pero hindi nya na lang ginawa dahil sexy naman si Tina. Bonus pa dito na nabosohan nya ito habang pinupulot nito ang mga barya. Nakita niya ang cleavage at bra nito kaya enjoy si mokong.
       Kinabukasan, makakasalubong na naman ni Ernesto si Tina sa parehong kalsada. Napaisip si mokong, paano kaya kung sadyain nyang maghulog ng barya kapag malapit na si Tina, aangkinin nya kaya ulit ito at pupulutin? Kapag ginawa yun ni Tina, siguradong busog na naman ang mga mata ni Ernesto. Naghulog ng mga barya si Ernesto. Katulad ng inaasahan, inangkin ito ni Tina at pinulot. Mas maluwag yung sa leeg ng damit ni Tina ngayon kumpara sa suot nya kahapon kaya mas maganda ang view ni Ernesto. Nagulat si Ernesto sa kanyang nakita, walang suot na bra si Tina kaya litaw na litaw ang dalawa nyang malulusog na... alams na. Nang mapulot na ang lahat ng mga barya ay dumetso na ng lakad si Tina, si Ernesto naman ay tumingin pa sa pwet ng babae at sinipat kung may suot ba itong panty. Kahit anong sniper-mode nya sa suot nitong hapet na leggings ay wala talaga syang makitang bumabakat. Wala atang suot na panty si Tina.
       Kinabukasan ulit, parehong senaryo, magkakasalubong na naman ang dalawa. Medyo mas exciting lang ngayon dahil naka micromini skirt si Tina. May mas magandang ideya si Ernesto para sa pagkakataong ito, maghuhulog agad sya ng barya medyo malayo palang si Tina tapos pepwesto sya sa likod nito para pagyumuko bosong-boso agad yung panty ng babae.
       "Tina, nahulog yung mga barya mo" sabi ni Ernesto. "Gumulong sila don oh"
       "Ay, oo nga sakin nga yon, salamat ah, sige pupulutin ko lang" sagot ng babae.
      Lumakad na medyo papalayo si Tina kay Ernesto. Excited na si mokong lalo na't sa tingin nya'y walang suot na panty kahapon si Tina, at kung ngayon pa ito walang suot ng panty habang naka-micromini skirt, tiba-tiba nito si mokong. Nakapwesto na ngayon si Ernesto sa likod ni Tina at nagaabang na yumuko ang babae. Pagyuko ni Tina para pulutin ang mga barya, nagulat na lamang si Ernesto sa kanyang nakita... wala itong suot na panty ngunit hindi pala dapat panty ang suotin nito kundi brief.